Kapangyarihan Sa Likod Ng Musika
Episode 13- Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan
Ang Episode pong ito ay tungkol sa musika bilang isa sa mga makapangyarihang bagay na maaring maka-impluwens’ya sa ating desisyon, pagkatao, kabutihan o kapahamakan. Mapapakinggan po ninyo ang tunay na karanasan ni Jay, bilang isa sa mga musical artists na nakipag-kontrata kay Satanas kapalit ng katanyagan, pera at mga babae. Maririnig ninyo sa kaniyang istorya ang tipikal na pinagdadaanan ng karamihan sa mga artists na nakipag-deal kay Satanas. Ano nga ba ang resulta ng pakiki-pagdeal kay Satanas, ano ang epekto ng desisyon na ito sa taong nakipag-deal, maging sa mga taong tumatangkilik ng kanilang nilikha? Ano ang tinatawag na Alter Ego ng mga artists na ito? Maaari bang makatakas sa kontrata ang isang tao na nakipag-deal kay Satanas?
Ang lahat po ng salita na pumapasok sa ating kaluluwa sa pamamagitan ng panonood, pagbabasa at pakikinig ay may epekto po sa ating kalusugan at pagkatao, ito po ay napatunayan sa isang scientific experiment na nasa New York Times Best Selling book : https://amzn.to/3QxEWPA